PANOORIN: Star Magic Circle Batch 2019 ipinakilala sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 06:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Inilunsad na nitong Linggo sa programang "ASAP Natin 'To" ang Star Magic Circle Batch 2019 kung saan sila nagpakitang gilas ng kanilang mga talento.

Walo ang ipinakilalang heartthrobs, gaya nina JC Alcantara na nakilala bilang Bogs sa seryeng "Halik," Kyle Echarri ng trending na "Kadenang Ginto," at Glen Vargas na ex-boyband member.

"Excited po ako sa kung ano ang magiging plan para sa akin," sabi ni Echarri. 

Dating nag-audition naman sa "Pinoy Big Brother" si R.A. Lewis habang commercial models noon sina Jeremiah Lisbo, Antonny Jennings, Javi Benitez, at Kendru Garcia.

Walo rin ang babaeng ipinakilala, kabilang sina "Goin' Bulilit" alumnae Belle Mariano at commercial model na si Arielle Roces. 

Beauty queen material naman ang dating nina Eisel Serrano at Aiyana Waggoner.

Singer naman si Arabella del Rosario at nakasama na sa "KathNiel" movie na "Barcelona" si Melissa Jimenez.

Sa horror movie na "Eerie" naman tumatak si Gillian Vicencio habang anak naman ng aktres na si Rina Reyes si Sophie. 

"Sobrang saya po sa feeling kasi alam ko po sobrang hirap makapasok dito," ani Vicencio. 

Excited na ang new batch ng Star Magic babies sa mga unang proyektong kanilang gagawin. — Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.