PatrolPH

PANOORIN: Mga piling tagpo sa Star Magic All-Star Games

ABS-CBN News

Posted at May 25 2022 11:28 AM

MAYNILA -- Isang exclusive all access look sa Star Magic All-Star Games ang ibinahagi sa Inside News ng Star Magic nitong Martes.

Nito lamang Linggo, Mayo 22, naganap ang pagbabalik ng inaabangang Star Magic All-Star Games na isa sa mga selebrasyon para sa ika-30 taon ng talent management arm ng ABS-CBN.
 
Sa larong badminton, nagwagi ang magkaibigan na sina Daniel Padilla at Neil Coleta sa men's doubles, samantalang sina Gello Marquez at Naomi Suello ang kampeon sa mixed doubles.

Sa volleyball, ang Star Magic Lady Spikers ang nag-uwi ng championship trophy.

Sa main game, sa larong basketball, nagwagi ang "It's Showtime" team laban Star Magic Dream team na pinangunahan naman nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte. 

Narito ang Inside News tampok ang Star Magic All-Star Games:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.