PatrolPH

Joshua Garcia, nilinaw na magkaibigan lang sila ni Trina Guytingco

ABS-CBN News

Posted at May 25 2022 12:03 PM | Updated as of May 25 2022 12:38 PM

Photos from Trina Guytingco's Instagram posts
Photos from Trina Guytingco's Instagram posts

MAYNILA -- Tinuldukan na ng aktor ng si Joshua Garcia ang mga haka-haka tungkol sa kanila ng basketball player na Trina Guytingco.

"Si Trina, tropa 'yon. Barkada 'yon namin nila Daniel (Padilla). Nagkataon lang siguro nung time na 'yon siyempre partner-partner sila eh kami ang parehas single kaya yung tropa-tropa namin medyo may pag-push. Pero tropa 'yon si Trina," ani Garcia sa ulat na inilabas ng PEP.

"Congratulations nga pala kay Trina kasi nasa SEA Games siya ngayon eh. Naglalaro siya ng basketball," dagdag ni Garcia.

Matatandaang Marso nang umingay ang balitang nag-uugnay kina Garcia at Guytingco matapos lumabas ang kanilang mga retrato sa social media.

Ito ay nang ibahagi ni Garcia ang retrato nila ni Guytingco sa kanya mismong Instagram Stories na kuha sa birthday celebration ni Kathryn Bernardo sa El Nido, Palawan.

Lumaki sa California si Guytingco na best friend ni Bernardo. Si Guytingco ay miyembro ng Ateneo de Manila University women's basketball team sa UAAP.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.