Relasyong Lou at Andre, mauuwi nga ba sa kasalan?

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 05:09 PM | Updated as of May 24 2019 05:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hahantong nga ba sa kasalan ang relasyon nina Lou Yanong at Andre Brouillette na nagsimula sa loob ng "Pinoy Big Brother" house?

Ito ang tanong na sinagot ng dalawa sa adult Big 4 ng "PBB: Otso" nitong Biyernes. 

"When the time feels right. I don't know how to explain this one, but it's always smart to take things slow naman and learn more about each other every day. We are learning a lot about each other, but it takes time," sagot ni Andre.

"No rushing. You would know, I guess. Walang etching-etching, you would know na lang," dagdag ni Lou.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala na may ilang tao na duda sa kanilang relasyon.

Ang depensa nila sa mga taong hindi pa rin naniniwala ay ang kasiyahan na mayroon sila ngayon. 

"There's always going to be doubters. But the one that get us through is knowing that we are true to each other. We know our truth. So to get us through all of that that is knowing that we are honest with each other," ani Andre.

"Siguro sa pagiging masaya lang namin, we will just be happy no matter what 'yung tini-throw nila sa amin. Go lang, we will just be happy right here," ani Lou.

Matapos ang lahat ng pinagdaanan sa loob at labas ng Bahay ni Kuya, aminado ang dalawa na mas naging kumportable na sila sa isa't isa at mas naging matatag ang kanilang relasyon.

"We've always been comfortable sa isa't isa. Hindi 'yon nagbago even sa paglabas ng Bahay ni Kuya. We are stronger, I guess," ani Lou.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.