FumiYam, labis ang saya sa unang proyekto

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 05:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi matatawaran ang kasiyahan ng tinaguriang "laugh team" na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong sa kanilang unang acting project.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ng dalawa na hindi nila akalain na mapapasama sila sa "Home Sweetie Home: Extra Sweet."

"Sobra pong saya kasi hindi namin inakala. Kasi ang 'PBB' ay ongoing pa tapos bigla kaming nasali sa 'Home Sweetie Home' na hindi namin alam. We are thankful talaga," ani Yamyam.

"Sobrang saya ko and I'm so thankful [for the] opportunity. That is our first time acting. So still nervous po," ani Fumiya.

Samantala, aminado naman si Yamyam na naninibago pa rin siya sa bagong mundong kanyang ginagalawan, kaya minsan ay nakakaramdam siya ng lungkot.

"Minsan nami-miss din natin ang pamilya natin," aniya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.