Jessica Sanchez, suportado ang 'transformation' ni Jake Zyrus

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 24 2018 12:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Magkasamang na-interview ang magkaibigan at kapwa Pinoy na sina Jessica Sanchez at Jake Zyrus, na parehong nakagawa ng pangalan sa Amerika sa mundo ng musika.

Bihira ang nakakaalam na malapit na magkaibigan ang dalawa.

Dito rin, naibahagi ni Jessica na suportado niya ang pinagdaanan ni Jake at naging "transformation" nito.

"It's normal to me, it didn't affect me that big. I'm just really happy to support him in his journey," ani Jessica.

Si Jake naman, ibinahagi kung paano maging isang kaibigan si Jessica.

"Behind the camera, kaya nag-click 'yung friendship kasi marami kaming in common... Maraming pareho sa gusto, ganyan-ganyan... Napaka-chill niya," aniya.

Pareho sila ng pinagdaanang hirap para makagawa ng pangalan sa international market at iisa ang kanilang naging prinsipyo.

Talent nila ang kanilang weapon para mapansin at sumikat.

"I know it's really, really hard in the States. I've been told by a lot of people in the industry in the States that you're not gonna make it because you're Asian... It's good to kind of like prove them wrong," ani Jessica.

At ngayon na magkasama sina Jessica at Jake, proud sila sa narating ng isa't isa.

"'Yung fact na si Jessica ay well-known hindi lang dito kung hindi sa buong mundo, the fact na na-recognize 'yung talent niya, na-appreciate ko 'yun, 'yung nakaka-proud," aniya.

"I'm proud of Jake, of coming out, of being himself. That's a very hard thing to do. There are eyes watching you all the time. This is a real artist right here, really being himself," pahayag naman ni Jessica.

Kasama si Jessica sa "Music & Me" concert ni Jake sa May 25 sa Skydome.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.