Guest Star Patroller Anne Curtis, patok sa netizens

ABS-CBN News

Posted at May 24 2018 09:17 PM | Updated as of May 25 2018 08:40 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Usap-usapan sa Twitter nitong Huwebes ang unang pagsabak ni Anne Curtis bilang guest Star Patroller sa programang "TV Patrol."

Gamit ang hashtag #AnneCurtisOnStarPatrol, hindi napigilan ng ilang celebrities at mga tagahanga ni Curtis ang mag-tweet sa unang pagsalang ng Kapamilya host sa pagbabalita.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens kay Star Patroller Anne Curtis:

Bago matapos ang programa ay kinumusta rin ni Kabayan Noli de Castro ang aktres sa kaniyang buhay may-asawa.

"Napakasaya, sobrang saya," ani Curtis.

Kamakailan ay nag-isang dibdib ang aktres at ang kilalang chef na si Erwan Heussaff.

Humalili ang 33 anyos na Kapamilya actress kay Gretchen Fullido, na liban bilang Star Patroller. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.