Arci, nais na nga bang 'ipamigay' si Piolo?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 24 2018 12:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kinaiinggitan ngayon si Arci Muñoz sa kanyang papel bilang Dani sa teleseryeng "Since I Found You."

Kapares ni Arci si Piolo Pascual as Nathan na madalas niyang kasama sa mga kilig na eksena sa inaabangan sa serye.

"Hindi naman ako nagtataka. Kasi naman kahit sino, kung iba rin ang gumanap as Dani, marami din naman ang maiinggit sa kanya," ani Arci.

Lagi ang pagbibiro ni Arci kay Piolo na "ipapamigay" na lang ang aktor para di na siya kulitin ng fans sa social media at kainggitan sa mga eksena nila.

"Sinasabi ko nga kay Papa P, buti na lang sawa na ako sa iyo. Sige, ipamimigay na kita. Sabi niya, sige na, Mona, ipamigay mo na ako, inaaway ka na ng tao," aniya.

"Sana daw sila (fans) si Dani. Oo naman, masarap talaga magkaroon ng Papa P. Iba talaga siya," dagdag ng aktres.

Ibinahagi rin ni Arci na mayroon pang mga aabangang pasabog sa "Since I Found You."

Request ng fans na magkabalikan na sana ang roles nina Arci at Piolo para mas kilig ang panonood gabi-gabi sa kanilang teleserye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.