Book 2 ng 'Ang Probinsyano,' sinalubong ng bagong baby, bahay at tauhan

ABS-CBN News

Posted at May 24 2017 11:13 PM

Matapos ang pagkamatay ni Joaquin (Arjo Atayde), mapayapa nang makakapagsimula ng bagong buhay sina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman). 

'Ang Probinsyano': Cardo, winakasan si Joaquin

Sa piling ng kanilang masayahing pamilya, hinarap ng dalawa ang bagong simula. Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki na pinangalanang Ricardo Dalisay Jr. 

Matapos magbitiw sa serbisyo, nag-focus muna si Cardo sa buhay pamilyado. Mula sa pagiging walang takot na tagapagpatupad ng batas, siya ngayon ay isang hands-on na ama at asawa.

Nang makaipon, napagpasyahan ng pamilya Dalisay na lumipat ng tirahan — sa isang lugar na mas tahimik at malayo sa mga bakas ng nakaraan. 

Sa bago nilang tahanan, makikilala nila ang mga bagong kaibigan na magbibigay ng kulay sa susunod na yugto ng kanilang buhay. Noong nakaraang linggo, ipinakilala na ng Dreamscape Entertainment ang bagong cast ng teleserye.

Meet the new cast members of 'Ang Probinsyano'

Kinabibilangan ito ng mga batikang actor na sina Lito Lapid, Angel Aquino, at John Arcilla. Naroon din sina Sid Lucero, Ejay Falcon, at Jhong Hilario, pati na ang mga kwelang komedyante na sina Pokwang at Mitch Valdes. 

Kilalanin ang mga bagong cast member ng "Ang Probinsyano" gabi-gabi pagkatapos ng "Ang Probinsyano." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.