Awra, maayos na ang kondisyon matapos maoperahan

ABS-CBN News

Posted at May 23 2018 12:31 PM

 

A post shared by Δwʀα (@awrabriguela) on

MANILA -- Naospital ang batang aktor na si Awra, o McNeal Briguela sa totoong buhay.

Sa kanyang Instagram page nitong Martes, naglabas si Awra ng mga retratong kuha sa ospital kung saan siya dinalaw ng kanyang mga kaibigan na sina AC Bonifacio at Riva Quenery.

Hindi man nagbigay ng detalye sa kung ano ang kanyang naging kondisyon, sa caption ay isinulat ni Awra na nanggaling siya sa "operating room."

Sa panayam ng ABS-CBN News, kinumpirma ng head writer ng Star Cinema at manager ni Awra na si Henry Quitain na dinala ang aktor sa isang ospital sa Quezon City nitong Linggo.

Aniya, inoperahan daw si Awra sa appendix.

Wala rin daw dapat ipag-alala ang mga tagahanga ni Awra dahil nasa maayos na itong kalagayan.

 

Salamat sa pag dalaw bestieee @andreebonifacio 😘😘

A post shared by Δwʀα (@awrabriguela) on

Sa ngayon ay parte si Awra ng sikat na seryeng "Ang Probinsyano."

Matatandaang nakilala si Awra sa kanyang mga nakakatuwang videos online.