PatrolPH

TINGNAN: Team Payaman nagbigay-suporta sa Sibol ML:BB team sa Vietnam

ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 02:33 PM

Nag-uusap sina Junnie Boy, Keng, at Burong bago ang gold medal finalists ng Sibol ML:BB team sa Southeast Asian Games. Courtesy: SEA Games. 
Nag-uusap sina Junnie Boy, Keng, at Burong bago ang gold medal finalists ng Sibol ML:BB team sa Southeast Asian Games. Courtesy: SEA Games. 

MAYNILA – Nagsilbing “buff” para sa Mobile Legends: Bang Bang representatives ng Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Vietnam ang ilang miyembro ng Team Payaman na sina Junnie Boy, Keng, at Burong.

 

Present mula semifinals sina Marlon Velasquez Jr. Christian Gaspar, at Aaron Macacua o mas kilala bilang sina Junnie Boy, Keng, at Burong para humataw sa pagbibigay ng suporta sa world champions sa SEA Games. 

Humataw pa sa pagsayaw si Junnie Boy habang naglalaro ang Blacklist kontra Indonesia sa gold medal match. 

Wala man si Lincoln "Cong" Velasquez sa Hanoi, matindi naman daw ang binigay nitong suporta ayon sa kaniyang long-time partner na si Viy Cortez. 

 

Pawang mga talent sila ng Tier One Entertainment, kung saan napasailalim ang Blacklist International na siyang kumatawan sa bansa sa SEA Games.

Matatandaang nilampaso ng Sibol ang Indonesia sa iskor na 3-1 sa SEA Games gold medal match para madepensahan ang titulo sa ML:BB 

Taong 2019 nang mapanalunan ng Pilipinas ang gold medal kontra Indonesia, nang i-host ng bansa ang laro. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.