PatrolPH

Robi Domingo, host ng ikalawang season ng 'Idol Philippines'

ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 01:25 PM

Si Robi Domingo ang napiling bagong host ng ikalawang season ng singing competition na 'Idol Philippines.' Screen capture
Si Robi Domingo ang napiling bagong host ng ikalawang season ng singing competition na 'Idol Philippines.' Screen capture

Ang TV personality na si Robi Domingo ang napiling bagong host ng ikalawang season ng singing competition na "Idol Philippines."

Inanunsiyo ni Janine Gutierrez ang pagiging host ni Domingo sa launch ng "Idol Philippines" sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo.

"It is my honor to be part of this very iconic show," ani Domingo, na kasalukuyan ding host ng "Pinoy Big Brother: Kumunity."

Inanunsiyo rin sa official Facebook page ng programa ang pagiging host ni Domingo.

 

Sa "ASAP," nagsanib-puwersa ang alumni ng unang season ng "Idol Philippines, "mga nagbabalik-hurado na sina Regine Velasquez at Moira dela Torre, at bagong judge na si Gary Valenciano.

Kasama sa mga alumni sina Fana, Shanaia Gomez, Gello Marquez, Miguel Odron, Anji Salvacion, at trio na iDolls.

Watch more News on iWantTFC

Kinanta nila ang "This Is My Now" ni "American Idol" Season 6 winner Jordin Sparks, at "Angels Brought Me Here" ni "Australian Idol" winner Guy Sebastian.

Sinamahan din sila ni "American Idol" Season 18 finalist Francisco Martin sa pag-awit ng "A Moment Like This" ng kauna-unahang "American Idol" winner na si Kelly Clarkson.

Kasama rin sa judges ng bagong "Idol Philippines" si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, na hindi nakadalo sa "ASAP."

Wala pang inaanunsiyong premiere date para sa ikalawang season ng "Idol Philippines."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.