Sofia Andres, hiwalay na nga ba sa rumored boyfriend?

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 01:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Usap-usapan ngayon ang pagbura ni Sofia Andres ng mga retrato ng kanyang rumored boyfriend sa social media.

Sa Instagram page ni Sofia, napansin ng fans na wala na ang mga sweet photo nila ng Cebuano race car driver na si Daniel Miranda.

Tanong tuloy ng netizens kung break na ba ang dalawa.

Sa account din kasi ni Daniel, makikitang dalawang retrato na lang nila ni Sofia ang natira.

Wala pang confirmation mula kina Sofia at Daniel kung totoong hiwalay na nga sila.

-- Umagang Kay Ganda, Mayo 22, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.