Jane Oineza, sumabak sa memory game ng 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 01:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sumabak sa memory game ng "Umagang Kay Ganda" ang aktres na si Jane Oineza nitong Miyerkoles.

Ang hamon, kailangang kabisaduhin ang combination of numbers na makikita sa loob ng folders sa loob ng 10 segundo. Ang twist, kailangan munang sagutin ang mga tanong na ibibigay sa kanya bago sabihin ang numbers na kinabisado.

Sa huli, dalawa sa tatlong number combinations ang tamang nakuha ni Jane na bida ng pelikulang "Finding You" na tumatalakay din sa hyperthymesia, isang kondisyon kung saan may kakayanan ang taong mayroon nito na maalala ang halos lahat ng bagay na kanyang ginawa o pinagdaanan. 

Ipapalabas sa Mayo 29 ang "Finding You" kung saan makakasama ni Jane sina Jerome Ponce at Barbie Imperial.

-- Umagang Kay Ganda, Mayo 22, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.