Carol Banawa, nagtapos bilang summa cum laude sa Amerika

ABS-CBN News

Posted at May 22 2018 10:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa nang ganap na nars ang mang-aawit na si Carol Banawa na nagtapos bilang summa cum laude sa isang community college sa Amerika.

Natapos ni Banawa noong nakaraang linggo ang pagiging registered nurse sa Northern Virginia Community College, mula sa pagiging licensed practical nurse.

"It's a lot of late hours of reading and a lot of sacrifice," sabi ni Banawa sa panayam ng ABS-CBN News. "It's a lot of discipline and hard work really."

Ayon kay Banawa, masaya siya sa simpleng buhay sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya, na suportado rin siya sa kaniyang bagong trabaho bilang nars sa operating room.

Taong 2003 nang pumunta si Banawa sa Amerika para ipagamot ang kaniyang ama na nagkasakit dahil sa carbon monoxide poisoning mula sa insidenteng ikinamatay naman ng kaniyang kuya.

Bumalik sa Pilipinas ang tatay ni Banawa makalipas ang ilang taon pero nagpaiwan ang "Iingatan Ka" hitmaker para mag-aral.

Balak ngayon ni Banawa na mag-aral para sa kaniyang National Council Licensure Examination (NCLEX), at makuha rin ang kaniyang bachelor's degree at master's degree sa nursing.

Sa kabila ng pagkakaabala sa nursing, hindi pa rin iniiwan ni Banawa ang mundo ng pag-awit.

Katatapos lang niyang mag-perform sa ilang concert para sa mga Pinoy sa Amerika.

-- Ulat ni Henni Espinosa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.