Kyle at Seth, labis ang pasasalamat sa tagumpay ng 'Kadenang Ginto'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 12:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bukod kay Andrea Brillantes at Francine Diaz na napapanood araw-araw sa "Kadenang Ginto," nakatutok din ang fans sa kanilang kapareha sa serye na sina Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Naikuwento ni Seth ang ilang comments ng netizens na hindi niya makakalimutan, lalo na sa kanyang papel sa palabas.

"Natatawa lang ako kasi ang role ko doon kasi batang kalye tapos may nag-comment 'ang yaman ng damit nito ah," ani Seth.

Si Kyle naman, aliw sa memes na kina-career ng netizens na base sa markadong mga eksena ng "Kadenang Ginto."

"May mga nakikita po kaming Facebook accounts na gumagawa ng versions po as Kristoff po. Tapos nagkukuwentuhan sila sa mga status nila," Kyle.

Kaya naman walang katapusang pasasalamat sina Seth at Kyle sa biggest break sa kanilang career.

"Sobrang excited po ako kasi 'di ko akalain na magiging ganito kalaki ang 'Kadenang Ginto' and 'di ko ini-expect na tatawagin kami Gold Squad, kaming apat and everything. Kapag nasa labas po ako ng bahay lagi po ang tawag nila sa akin ay Tope or Kristoff," ani Kyle.

"Sa mga sumusuporta, maraming salamat po. Salamat po na [nangyari] sa akin ito. Salamat po sa opportunity," ani Seth.

Napapanood ang "Kadenang Ginto" tuwing hapon sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.