Vice Ganda, nagbitiw ng pangako sa pagbabalik sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at May 21 2018 03:42 PM | Updated as of May 21 2018 03:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Matapos amining dumaan sa depresyon, isang masayang Vice Ganda ang nagbalik sa "It's Showtime" nitong Lunes.

Ayon kay Vice Ganda, nakatulong ang naging pagpunta niya sa ibang bansa sa pagharap sa kalungkutan at muling makita ang ganda ng buhay.
 
"My purpose is to make people laugh. Ang mga matatanda, makakalimutan nilang may sakit sila. Para 'yung mga nanay at tatay na gusto nating makasama ay humaba pa ang buhay. Para 'yung mga millennials na nadi-depress at naisip nilang magpakamatay ay ma-realize nilang masaya pa pala ang buhay," ani Vice Ganda na sinabing 85% ng mga nanonood sa nagdaang concert ay mga senior citizens.

"I found my purpose and now I vow that I will not quit. I will continue to make everyone happy. Because for as long as you are happy, I am happy. I am serving you and I'm serving God. I love my life. Ang saya ko ngayon kaya gusto kong pumasok agad kasi gusto kong i-share ang saya ng puso ko," ani Vice Ganda.

Sa huli nagpasalamat si Vice Ganda sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa Amerika at Canada dahil sa nagawa ng mga ito sa kanyang buhay. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.