Kaibigan ni John Lloyd, bukas magninong sa 'pinagbubuntis' ni Ellen

ABS-CBN News

Posted at May 21 2018 09:24 PM | Updated as of May 22 2018 12:15 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Wala pa mang direktang sagot sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, mistulang kumpirmasyon na ng pagbubuntis ni Adarna ang kumalat na beach photos niya nitong weekend na ipinapakitang lumaki na ang kaniyang tiyan.

Nag-post din si Adarna sa kaniyang Instagram account ng larawang suot ang parehas na itim na pang-itaas pero tulad sa mga nakaraang posts niya ay nakatago pa rin ang kaniyang tiyan sa camera.

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Sa isang panayam ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe, tila kinumpirma na rin ng aktor na si Jobert Austria ang pagdadalantao ni Adarna.

Si Austria ay naging co-star nina Cruz at Adarna sa "Home Sweetie Home."

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinanong ni Felipe si Austria kung "magiging ninong" na ba siya?

"Kung kukunin niya 'ko," tugon ni Austria. "Mahal ko 'yong taong [Cruz] 'yon e."

"Nanganak na ba si Ellen, nakita mo na ang baby?" sunod na tanong ni Felipe.

"Hindi pa siya nanganganak. Hindi totoong nanganak na. Pinapangunahan lang ng mga tao. Pabayaan niyo na sa sila," sabi ni Austria.

"Kahit naman hindi ako ninong no'n, andiyan lang ako."

Watch more in iWant or TFC.tv

Bago nito, halos maiyak si Austria habang dinedepensahan si Cruz mula sa ilang aniya'y nagsulputang hindi kaayaayang intriga.

Giit ni Austria, mabuting kaibigan si Cruz na naroon sa kaniya noong mga panahong humarap siya sa pagsubok sa buhay.

"Doon sa mga nagtiwala sa 'yo para makabangon. Si John Lloyd isa 'yon, Angelica [Panganiban]. Kaya nga, magkaibigan kami e. Kaya nasasaktan ako kapag tinitira siya. Kasi 'yong tao, mabait naman na tao," maluha-luhang sabi ni Austria.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinabulaanan din ni Austria ang ilang sumulpot na usap-usapang malungkot ngayon ang buhay ni Cruz.

"Mali 'yong mga sinasabi nila na hindi siya [Cruz] masaya, masayang-masaya siya ngayon. Nakita ko siya e. Hindi totoo na hindi siya babalik dahil malungkot siya sa buhay niya. Gusto niya lang 'yong buhay niya. Pinili niya na 'to e," ani Austria.

"Pabayaan na natin siya di ba? Masaya na siya roon e. Kayo, kung mahal niyo talaga si John Lloyd, kasi ang dami niya namang naibigay sa inyo noon, pinasaya niya kayo... huwag niyo na siyang sakyan sa likod para lumubog."

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa tingin din ni Austria, mukhang malabo pang bumalik sa Home Sweetie Home ang karakter na ginagampanan ni Cruz.

"Sa ngayon siguro hindi. Kasi, di ba, nasa kaniya rin 'yon e. Ewan ko e. Ayokong magsalita para sa kaniya, pero feeling ko masaya siya kung nasaan siya ngayon muna. Sabi niya 'siguro balang araw.' Sabi ko nga [kay John Lloyd], 'mami-miss mo rin 'yan [showbiz]. Sabi niya [Cruz], 'siguro, pero sa ngayon di ko pa iniisip.'"

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagkita raw sina Austria at Cruz bago mag-Palawan si Cruz kasama si Adarna.

Base sa IG posts ni Adarna, nagbakasyon sila ni Cruz sa Amanpulo, isang private island resort sa Palawan.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.