Iba rin! Jed, ipinakita ang galing sa panggagaya

ABS-CBN News

Posted at May 21 2018 11:26 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinakita ng mang-aawit na si Jed Madela ang galing sa panggagaya ng boses sa naging pagbisita niya at ni Nyoy Volante sa "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo.

Iba ang ipinakitang galing ni Jed nang ginaya niya ang boses ni Beyonce sa pag-awit ng "Love On Top."

Naging game rin si Jed sa panggagaya sa boses ni Jaya sa pag-awit naman niya ng "Dahil Tanging Ikaw."

Kasama ni Jed si Nyoy na siya namang game na game na gumaya sa galaw nina Beyonce at Jaya.

Si Jed at Nyoy ay tumatayong mga coach sa "Your Face Sounds Familiar Kids 2018."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.