Sylvia Sanchez, sinorpresa sa kanyang kaarawan

ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 04:25 PM

MANILA -- Naging emosyonal ang aktres na si Sylvia Sanchez sa ginawang sorpresa sa kanya ng kanyang pamilya.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Sylvia ang video kung saan kita ang pagdating ng kanyang mga anak sa Hong Kong para sorpresahin siya para sa kanyang ika-48 kaarawan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on

Ayon pa kay Sylvia, plano niyang i-sorpresa ang ibang miyembro ng kanyang pamilya pero nabaligtad ang lahat sa biglaang pagdating ng kanyang mga anak na sina Arjo, Ria at Gela.

"Ako ang gustong mangsurpresa sa mama ko, pamangkin, kapatid, tiyahin at kaibigan pero ang ngyari ako ang nasurpresa ng asawa't mga anak ko," ani Sylvia na nagpasalamat sa tatlong anak "for going out of ur way just to be with me on my birthday."

"At sa nagplano ng surpresang ito para makasama ko ang mga anak ko sa bdy ko, siraulo ka asawa ko napaiyak mo ako sobra sobra, pero ang saya saya ko maraming maraming salamat syo, love you much at talagang happy happy bdy to me," dagdag ng aktres. 

Maliban sa kanyang pamilya, nagpasalamat din ang aktres sa lahat nang nakaalala sa kanyang kaarawan.

"Ang saya, saya," ani Sylvia.