'Nakakabaliw na': Rufa Mae, aminadong hirap mapalayo sa asawa

ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 12:53 PM | Updated as of May 20 2019 07:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kahit hindi madali ay nakakayanan ni Rufa Mae Quinto ang hamon ng long-distance relationship nila ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Rufa Mae na kahit mahirap ay kailangan niyang kayanin na malayo sa asawa para sa kanilang anak na si Athena.

"Kakaumpisa pa lang kasi kaya nakakaya pa. Kasi dati umuuwi siya buwan-buwan. Ito lang ang matindi nitong December, January, February, March, April, five months. Nakakabaliw na pero kaya pa. Kasi walang choice dahil ako ang nanay. Kapag malungkot ako, maa-absorb niya (ng anak ko) so magiging malungkot na kaming lahat. So kailangan kong tibayan. Kailangan go lang ng go," paliwanag ni Rufa Mae na ikinasal kay Trevor noong Nobyembre 2016. 

Si Trevor ay nakabase ngayon at nagtatrabaho sa San Francisco.

Pero bago matapos ang buwan ng Mayo, excited si Rufa Mae na muling makasama ang asawa sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa pagpunta nilang mag-ina sa Amerika.

Ani Rufa Mae, kahit walang malaking selebrasyon ay masaya na siya basta makasama ang kanyang anak at asawa. 

"Kaya nga excited," ani Rufa Mae.
 
Sa nakaraang guesting sa "Magandang Buhay," ibinahagi ni Rufa Mae na malaki ang tulong ng teknolohiya sa relasyon nila ni Trevor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.