Liza Soberano, sumailalim sa finger surgery

ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Lumipad si Liza Soberano patungong Amerika upang ipa-opera ang kanyang fractured finger.

Nabali ang daliri ni Liza habang nasa taping ng fantaseryeng "Bagani" na naging dahilan nang pag-atras niya bilang Darna.

Ibinahagi ng kapatid ni Liza na si Justin ang retrato ng kamay ng aktres pagkatapos ng operasyon.

Ang caption ni Justin: "Very happy that the surgery went great. To my brave sister, get well soon and we love you so much." 

-- Umagang Kay Ganda, Mayo 20, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.