Maymay Entrata, maglalabas ng bagong awitin

ABS-CBN News

Posted at May 19 2021 01:59 PM

MANILA -- Isang bagong awitin ang ilalabas ng aktres at dating "Pinoy Big Brother" big winner na si Maymay Entrata.

Pinamagatang "Di Kawalan" ang awitin na ilalabas sa ilalim ng Star Pop sa iba't ibang music apps sa darating na Biyernes, Mayo 21.

Sa Instagram, sunod-sunod ang pagbabahagi ni Maymay ng teaser photos ng kanyang pinakabagong proyekto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Matatandaang taong 2017 noong unang naglabas si Maymay ng album sa ilalim ng Star Music kung saan tampok ang mga nilikha niyang awitin na "Baliw" at "Titig ng Pag-Ibig" tampok ang kanyang love team partner at dati ring "PBB" housemate na si Edward Barber. 

Noong nakaraang taon, inilabas ni Maymay, isang Star Magic artist, ang awitin niyang "I Love You 2" na ay alay niya sa ABS-CBN kung saan nagsimula ang kanyang karera.

Nito lamang Pebrero, muling pumirma ng kontra si Maymay bilang artista ng Kapamilya network. 

Related videos: 

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC