'What have you done?' Ellen, ipinasilip ang kulitan nila ni John Lloyd

ABS-CBN News

Posted at May 18 2018 10:35 PM | Updated as of May 19 2018 12:45 PM

Ipinasilip ni Ellen Adarna ang ilang kulitan nila ni John Lloyd Cruz habang nagbabakasyon.

Base sa Instagram (IG) posts ni Adarna, magkasama sila ni Cruz sa Amanpulo, isang private island resort sa Palawan.

Sa isang IG post din ni Adarna, maririnig ang kaniyang pagtawa habang tila kinukulit si Cruz sa pagtatanong ng "What have you done? (Ano'ng ginawa mo?)"

Makikita si Cruz sa video na inaayos ang kaniyang shorts malapit sa kaniyang pribadong bahagi habang naglalakad sa buhangin.

"How fancy," sabi pa ni Adarna.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-post din si Adarna ng lechon sa beach at mga kuha nila ni Cruz habang nagre-relax sa tabing-dagat.

Watch more in iWant or TFC.tv
Watch more in iWant or TFC.tv
Watch more in iWant or TFC.tv
Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi naman tulad dati na madalas ang post ni Adarna ng swimsuit photos, kapansin-pansing wala ni isang ganitong larawan ngayon si Adarna habang nasa beach.

 

📸 @vitoselma #throwbackthursday

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Simula noong nakaraang taon ay usap-usapang nagdadalantao si Adarna sa panganay nila ni Cruz.

Ni minsa'y hindi ito kinumpirma ng kanilang kampo.

Pero naging usap-usapan ang isang post ng hipag ni Adarna tampok ang isang bagong silang na sanggol.

Sa comments kasi, nabanggit ni Kim Araneta Adarna, misis ng kapatid ni Ellen na si Danton Adarna, ang apelyidong "Cruz" habang sinasagot ang sinasabing pribadong account ni Adarna na "@emg.a"

Saad ng comment: "@emg.a ma tonicua cruz na ni siya next wednesday besh hahaha"

(magiging tonicua cruz na siya next wednesday besh hahaha)

 

Ate Adri and Tonicua😍 Cant believe im having 3 babies next week! 🤩

A post shared by Kim A. Adarna (@kimaadarna) on

Noong Abril, lalong uminit ang isyu sa pagbubuntis ni Adarna dahil sa post ng kaibigang nag-congratulate sa motherhood ng celebrity.

-- Hershey Homol, ABS-CN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.