Julio Diaz, nagpaalam na sa 'Asintado'

ABS-CBN News

Posted at May 18 2018 11:29 AM

MANILA -- Tapos na ang papel ni Julio Diaz sa sikat na seryeng "Asintado."

Nitong Huwebes, ipinakita ang pagdadalamhati ng bidang si Ana Dimasalang (Julia Montes) kasama si Xander Guerrero (Aljur Abrenica) habang nasa harap ng isang itim na bag kung saan nakalagay ang bangkay ni Melchor (Diaz).

Naniniwala ang grupo ni Ana na nasa likod ng pagkamatay ni Melchor ay ang mortal nilang kaaway na si Senator Salvador del Mundo (Nonie Buencamino).

Namatay sa hit-and-run si Melchor na siya sanang tetestigo sa kasamaan ni Salvador.

"Tumayo siyang tatay sa grupo natin, kung hindi lang niya sana ginawa 'yung mga ginawa niya noon. Pero tama ka, hindi pa rin dapat sa ganito," ani Ana tungkol sa pagkamatay ni Melchor.

Narito ang tagpong tumapos sa karakter na ginagamapanan ni Diaz.

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaang noong nakaraang buwan ay naaresto si Diaz sa isang anti-illegal drugs operation sa Meycauayan, Bulacan.

Sa panayam sa aktor matapos itong mahuli, inamin nito ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ani Diaz, o Mariano de Leon Regaliza sa totoong buhay, pinagsisisihan niya ang nagawang kasalanan.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.