PatrolPH

Daniel at Arci, nagkakamabutihan?

ABS-CBN News

Posted at May 18 2017 05:49 PM

Kasunod ng paghihiwalay nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, inamin ng aktor na napapalapit na ang kaniyang loob kay Arci Muñoz na kasama niya sa programang “I Can Do That”.

Dahil parehong galing sa hiwalayan sina Daniel at Arci, madalas tampulan ng tukso ang dalawa.

Pero ayon kay Matsunaga,kahit malapit sila sa isa't isa, magkaibigan pa lang sila sa ngayon ni Muñoz.

“For now we're friends, good friends. I'm really enjoying her company, super nice, sobrang bait, she is different, very true to herself,” ani Daniel.

Nauna na ring sinabi ni Arci na hindi siya puwedeng pumasok sa relasyon dahil sa nakasaad daw sa kontrata ng “I Can Do That”.

“Kailangan six months kaming single. Apat kaming pumirma doon. Kasama po si Dandan kaya hindi po kami puwede talaga," paglilinaw ni Arci.

Sa ngayon, naka-focus din daw muna sila sa trabaho.

“We're just enjoying work for now. Let's see in God's time. Yes, tama, she's free, she doesn't have a boyfriend,” ani Daniel. 

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.