PatrolPH

Erwan, Anne dinala ang anak sa una nitong picnic

ABS-CBN News

Posted at May 17 2020 11:37 AM

Matapos luwagan ng Australia ang mga patakaran nito kaugnay ng coronavirus lockdown, dinala nina Erwan Heussaff at Anne Curtis ang kanilang anak sa park para sa kauna-unahan nitong picnic.

Nag-post si Heussaff sa Instagram ng retrato kasama ang anak na si Dahlia Amelie sa kanilang pagpasyal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan) on

“Taking advantage of the sunny weather breaking into this cold month. For Dahlia’s first picnic, we have some crackers and cheese. She just had some good old fashioned breast milk,” sabi ni Heussaff sa caption.

Erwan, Anne dinala ang anak sa una nitong picnic 1

Nag-post din si Heussaff sa kaniyang Instagram Stories ng video ni Curtis na tinutulak ang stroller na sinasakyan ni Dahlia Amelie.

Ipinanganak si Dahlia Amelie noong Marso 2 sa Melbourne, Australia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.