Barbie Imperial, tumangging makasama si JM de Guzman sa isang proyekto

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 17 2019 11:50 AM | Updated as of May 17 2019 11:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Barbie Imperial na may alok na muli silang magsama ng "Araw Gabi" leading man na si JM de Guzman sa isang bagong project.

Pero mas pinili ni Barbie na huwag tanggapin ang muli nilang pagsasama ni JM dahil magulo pa sila sa isa't isa at marami pang personal na isyu na dapat pag-usapan.

"Sinabi ko na parang hindi pa time. Sinabi ko rin na feeling ko maiistorbo namin 'yung mga makakatrabaho namin kung hindi pa kami okay sa isa't isa," aniya.

"So kung ako po, mas okay na wait lang muna, 'wag nating madaliin," dagdag ng aktres.

Kabilang din si Barbie sa sinabihan na mag-audition para sa role na "Darna" pero mukhang iba ang plano niya.

"Pero actually mas gusto ko po 'yung Valentina... Pero kung, ibibigay sige. Puro Darna na kasi eh, Valentina naman tayo," aniya.

Ngayon, isa sa mga bida si Barbie sa romantic comedy na "Finding You" kasama sina Jerome Ponce at Jane Oineza.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.