PatrolPH

Ilang celebs kumasa sa ‘uban challenge’ sa gitna ng lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 16 2020 07:11 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA--Proud na ipinakita ng ilang bituin ang kanilang mga uban ngayong may lockdown.

Sa kaniyang Instagram post kasabay ng pagdiwang ng kaniyang ika-42 kaarawan, ipinagmalaki ni Judy Ann Santos-Agoncillo na tinubuan na siya ng mga puting buhok.

Naghamon pa si Juday sa mga gusto pang sumali sa “uban challenge”

Hindi rin ikinahiya ni Dawn Zulueta na pumuputi ang kaniyang buhok kasunod ng kaniyang ika-51 kaarawan nung Marso.

“Well, there it is... how home schooling can make your hair turn white. Kidding! Almost 3 inches of my silver hair is visible now..= I’m challenging myself not to do hair color while under #quarantine #lockdown Let’s see how long I can bear it,” ani Zulueta sa Intagram.

Sa kaniyang post kamakailan, idinetalye ni Zulueta na 3 inches na ang kaniyang uban.

Proud din niyang inihayag na wala siyang balak na ipatina ang kaniyang buhok sa panahon ng lockdown.

Hindi na rin ikinahiya ni Gabby Concepcion na nagmumukha na siyang ermitanyo sa pamumuti ng kanyang buhok sa balbas habang lockdown sa Batangas.

Proud din sina Margie Moran, Maricel Soriano, Arlene Muhlach at iba pang personalidad sa anyo ng kanilang buhok.

Sa gitna ng apela nilang buksan na muli ang mga salon bilang essential service industry sa Metro Manila, ikinatuwa naman ng pamunuan ng Hair Asia Philippines ang paglantad ng mga bituing may uban.

“The so called lockdown look of celebrities uplifts the well being of people during the pandemic. Tao din pala sila. Konsolasyon sa kababayan natin na maayos pa rin ang tingin ng mga celebrities sa kanilang sarili at sa paningin ng ibang tao,” ani Evelyn Alvaran, National President ng Hair Asia Philippines.

Konsolasyon daw sa ibang tao na maayos pa rin ang pagtingin ng mga tulad nina Dawn at Juday sa sarili sa gitna ng krisis.

Pero paalala din ng grupo na may mahigit 200,000 manggagawa na natenggga dahil sa lockdown, kailangan din ang pagtina at maayos gupit ng buhok na magagawa lang ng mga propesyunal.

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.