PatrolPH

Kilalanin: Ang boses sa likod ni Lee Min Ho

ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 06:40 PM | Updated as of May 17 2017 06:08 AM

Isa sa mga nalungkot sa balitang papasok si Lee Min Ho sa military ang nagbibigay ng boses sa Korean superstar sa mga Tagalized seryes niya na pinapalabas sa Pilipinas. 

Kasama sa mga nalungkot nang marinig ang balitang nagsimula na sa military service si Lee Min Ho ay ang nagda-dub ng boses nito sa Pilipinas na si AJ Constantino. Siya ang boses sa likod ni Gu Jun Pyo sa ‘Boys over Flowers’ at hanggang ngayon sa ‘Legend of the Blue Sea’

Challenging umano ang maging boses ni Lee Min Ho sa bagong serye.

“Very challenging kasi sort of two different characters ang pine-play ko for this program. ‘Yung isa, head of the village, tapos ‘yung isa, goon,” ani Constantino. 

Sa mahigit isang dekadang pagda-dub, bukod sa boses, mahalaga din umano ang timing at acting; pero ang hindi alam ng lahat, part time lang niya ang voice dubbing. 

Isang abogado si Constantino, at may isa siyang hindi malilimutang karanasan sa korte. 

“The judge was looking at me very intently, then he asked me ‘What is your nickname? Do you have a screen name? Do you do voice acting?’ ‘Yes, your honor’ then, the judge asked me, ‘Are you dubbing Jun Pyo of ‘Boys over Flowers?’ then, everyone just laughed. Then the other lawyer said, ‘Oh, panyero. Pa-autograph naman after nito,” kuwento ni Constantino. 

Nangangarap din si Constantino na makilala si Lee Min Ho nang personal, pero mukhang matagal-tagal pa ang hihintayin niya dahil sa military duties na tututukan ngayon ng Korean star.

Biyernes nang nagsimula ng military service ang Korean superstar na si Lee Min Ho. Mandatory ang pagsali sa military ng mga lalaki sa South Korea pagtuntong ng edad 18 hanggang 35-anyos. Non-combat position ang assignment na ibinigay sa kanya dahil sa injury mula sa mga car accident noong 2006 at 2011. Aabutin ng dalawang taon ang military service ni Lee Min Ho.

"I feel all the fans' sadness and their support. I'd like to come back healthy and heal them again with a great project," ayon sa kanya.

Sa huling panayam sa actor ng Star One Magazine, sinabi niyang ramdam niya ang lungkot ng fans, kaya pangako niya, gagawa siya ng magandang project pagbalik. 

"If I'd gone early, I wouldn't have been cast in 'Boys Over Flowers' and my 20s probably wouldn't have been as happy. I personally think that going later was a good choice for me," dagdag pa niya.

Good choice rin daw na na-delay ang kanyang military service dahil nakagawa siya ng magagandang proyekto gaya ng 'Boys over Flowers' at ang pinakahuli ay ang ‘Legend of the Blue Sea’ na napanonood sa Kapamilya Gold. 

Nagpa-Patrol, MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.