PatrolPH

Vina Morales, suportado ang kapatid na si Shaina; bumuwelta sa basher

ABS-CBN News

Posted at May 15 2020 11:19 AM

MAYNILA — Suportado ni Vina Morales ang naging pahayag ng kanyang kapatid na si Shaina Magdayao sa “Laban Kapamilya” isang online protest nitong Mayo 12.

Ito'y matapos iutos ng National Telecommunications Commission noong Mayo 5 na tumigil sa page-ere ang ABS-CBN. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

 
Sa isang Instagram post, sinabi ni Vina na proud siya sa kanyang kapatid.

“Ako po ay nakikiisa sa aking kapatid na patuloy na sumusuporta sa ABS-CBN. Lalong lalo na po sa mga empleyado na nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng may pandemic. Tama po 'wag na po kaming isama mga artista, dahil maski papano kami ay mabubuhay sa aming mga naipon,” ani Vina.

“Iniisip po namin ang mga pamilya ng mga empleyado na sa kanila ay umaasa. Ako po ay patuloy na magdadasal at ako ri’y nagpapasalamat sa Kongreso sa binigay na panahon at pagdinig ng boses ng aming mga kapamilya,” dagdag ni Vina na ginamit ang hashtag na #SAVEABSCBNWORKERS.

Sa comment section, dumipensa si Vina sa reaksiyon ng isang netizen na nagsulat ng “andaming drama.”

Buwelta ni Vina, ang paglaban nila ni Shaina ay para sa mga empleyado ng ABS-C BN na nanganganib na mawalan ng trabaho.

“Hindi po kami madrama. Ginagawa po namin 'yan sa mga teleserye; kami po ay lumalaban para sa kapwa namin empleyado ng ABS-CBN na ngayon ay walang trabaho habang may pandemic. Lahat po tayo ay nahihirapan sa mga oras na ito lalo na sa mga taong walang trabaho. Diyos na lang po ang bahala sa inyo.”

Bago ang enhanced community quarantine ay parte si Shaina ng seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.