Lorna Tolentino, malaki ang pasasalamat kay Coco Martin

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 15 2019 11:08 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Walang kupas na kagandahan at husay sa pagganap ang batikang aktres na si Lorna Tolentino.

Fifty years na sa showbiz si Lorna na nagsimula bilang isang child star at ngayon ay napapanood gabi-gabi sa top-rating serye na "FPJ's Ang Probinsyano."

Nagpapasalamat si LT kay Coco Martin na nakaisip ng kanyang challenging role bilang Lily. 

"I'm so happy na naisip ni Coco na isali ako sa 'Ang Probinsyano' na hindi mo mawaring karakter. Hindi mo maintindihan kung kanino ba siya pumapanig," ani Lorna.

Sabi pa ni LT, ibang kasiyahan ang kanyang nararamdaman dahil sa sunod-sunod na proyekto na dumarating sa kanya mula sa endorsements hanggang TV projects.

"Siyempre maligaya ako. Kasi very interesting ang role. Bilang artista, lahat naman yata 'yun ang gusto na magkaroon ka ng isang meaty na role," ani Lorna.

Dito, ikinuwento din ng aktres ang isa sa mga hindi niya inaasahan ang pagmamahal at supporta sa kanyang nakakainis na karakter bilang Lily.

"Tinatanggap naman namin kaagad lalo na 'yung ibang actors parang 'o sige, sige gawin natin 'yan.' Kasi nga sa lahat ng mga kontrabida, 'yung sa akin ang hindi mo pa malaman kung ano siya," ani Lorna.

At kung tatanungin kung hanggang kailan siya mapapanood sa "Ang Probinsyano"? sagot ni Lorna: "Actually, ilang araw palang ay pinapirma na ako ng contract na aabot hanggang September."

Sa ngayon, gabi-gabing makakasama si Lorna bilang si Lily sa tumitinding mga tagpo sa "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.