'Momshie' Karla, natupad ang pangarap na maging Star Patroller

ABS-CBN News

Posted at May 15 2018 10:20 PM | Updated as of May 16 2018 01:35 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Isa po itong panaginip na natupad."

Ganito inilarawan ng batikang aktres na si Karla Estrada ang kaniyang unang pagsabak sa paghahatid ng balitang showbiz sa programang "TV Patrol" nitong Martes, Mayo 15.

Humalili ang tinaguriang "Queen Mother" kay Gretchen Fullido bilang Star Patroller.

Kabilang sa mga balitang showbiz na inihatid ni Estrada ay ang mga nanalong celebrity sa barangay elections, pamamaalam ni Aga Muchlach sa kaniyang pumanaw na ama, at kasong kinahaharap ni Ellen Adarna.

Narito ang ilang behind-the-scene photos ni Estrada:

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Si Estrada ang ina ng Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla.

Kasalukuyan ding co-host si Estrada sa programang "Magandang Buhay."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.