Vice Ganda, inaming nahirapan sa tula para sa mga ina

Jeff Fernando, ABS-CBN NEWS

Posted at May 15 2017 11:54 AM

MANILA -- Naluha ang karamihan sa audience kasama na ang mga ka-trabaho sa "Its Showtime" nitong Sabado matapos i-perform ni Vice Ganda ang espesyal na tula na may pamagat na "Nanay" na kanyang ginawa para sa Mothers Day.

Sa exclusive nating interview, ibinahagi ni Vice na halos isang linggo niya ito isinulat.
 
"Hindi siya impromptu. Ginawa ko siya ng ilang araw. Actually few hours before the show ko siya natapos, pero actually mga limang araw ko siyang ginawa," ani Vice.

Matagal at mahirap din ang proseso na kanyang pinagdaanan sa pagsusulat ng tula para sa mga nanay dahil emotional din siya.

"Hindi ko siya natatapos kasi kapag sinusulat ko siya naiiyak ako. Tapos kapag naiyak ako bumababa ang energy ko, nawawala ako sa mood, hindi ko tinutuloy. Buti na lang sumakto na natapos ko siya on time," ani Vice Ganda.

Expected naman daw ni Vice na maiiyak ang sinuman na makikinig ng kanyang tula dahil lahat tayo ay nagmamahal sa ating mga nanay.

"Kasi 'yung story ng tula ko relatable siya. Noong pinag-uusapan namin, lahat tayo nagdaan sa ikinuwento ko, lahat tayo dumaan sa nanay na pinapadede tayo kapag umiiyak. Lahat tayo hinipan ng nanay ang mga sugat natin kapag nadadapa tayo, 'yung ganun. Tapos very visual, nai-imagine mo talaga ang sinasabi sa tula kaya naaantig ang mga tao," ani Vice Ganda.

Thankful si Vice na marami ang kanyang napasaya at muli napag-isip kung gaano kahalaga ang ating nanay bilang bahagi ng ating buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.