TINGNAN: Vice Ganda, nag-selfie kasama si Alden

ABS-CBN News

Posted at May 15 2017 01:25 PM | Updated as of May 15 2017 05:13 PM

MANILA -- Sa bihirang pagkakataon, nagsama sina Vice Ganda at Alden Richards sa isang litrato.

Sa isang Instagram Story post, ibinahagi ng komedyante ang kanyang selfie kasama ang aktor.

Sa caption, isinulat ng "It's Showtime" host na si Vice na "ang gwapo" ni Alden.

Nakapagpa-selfie si Vice Ganda kay Alden matapos nilang magkita sa ika-48 Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., kung saan nakuha ni Vice Ganda ang Phenomenal Star award para sa pelikula niyang "The Super Parental Guardians."

Samantala, nanalo naman si Alden bilang Prince of Philippine Movies para sa pelikula niyang "Imagine You and Me." Nakuha din ni Alden ang Male Recording Artist of the Year award.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.