PBB: Madam Inutz, Brenda Mage magbabalik sa loob ng Bahay ni Kuya

ABS-CBN News

Posted at May 13 2022 12:23 AM | Updated as of May 13 2022 08:09 AM

Mula sa Facebook page ng PBB
Mula sa Facebook page ng PBB

MAYNILA – Muling papasok sa loob ng bahay ni Kuya sina Madam Inutz at Brenda Mage para sa huling yugto ng “Pinoy Big Brother” Kumunity Season 10.

Inanunsyo nitong Huwebes ang muling pagsalang ng dalawang celebrity housemates sa “PBB” na tinawag na “Biga10 Comeback Celebrity Housemates.”

Kapwa nagmula sa celebrity edition ng ngayong edisyon ng reality show ang komedyante at viral online seller. 

Nakapasok sa Top 5 sina Brenda at Madam Inutz ngunit sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez ang tuluyang tinanghal na Top 2. 

 

Nitong nakaraang linggo, inanunsyo ni Valdez na hindi na siya makakabalik pa sa “PBB” dahil sasabay sa laro nito sa Southeast Asian Games sa Vietnam ang huling bahagi ng kompetisyon.

Ang beauty queen na si Samantha Bernardo ang napili pumalit kay Valdez na sasama kay Salvacion at sa top 2 ng adult at teen edition. 

Sina Isabel Laohoo at Nathan Juane ang nagging Top 2 sa adult group habang hinihintay pa ngayong linggo ang tatanghaling top 2 ng teen housemates.

Mapapasama sa anim na top 2 sina Brenda at Madam Inutz kung saan pipiliin ang tatanghaling Big Winner ng kompetisyon.