MANILA – Magbabalik na ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa puso ng mga kapamilya sa Europa at Gitnang Silangan.
Sa May 13, mapapalabas sa Netflix ang kanilang romantic comedy series, “2 Good 2 Be True.” Matapos ng sampung taon mula ng kanilang unang project na “Growing Up,” excited na ang worldwide fans sa kanilang pagbabalik.
Photo courtesy of ABS-CBN Entertainment and Netflix
Sa media conference ng serye, sinabi nina Daniel at Kathryn na malaki ang kanilang pasasalamat na mabibigyan sila ng mas malawak na audience dahil sa partnership ng ABS-CBN at Netflix.
Tungkol sa pag-iibigan ni Eloy (Daniel Padilla) at Ali (Kathryn Bernardo) ang istorya. Kapupulutan ng aral tungkol sa pamilya, pagkakaibigan at pag-ibig.
Photo courtesy of ABS-CBN Entertainment and Netflix
“It’s about life lessons about family and friendships at self realizations. Kahit kami kapag binabasa mo yung scripts ang dami mo talagang matutunan. Bawat character na nire-represent talaga siya, kaya yung maliliit, pati yung malalaking characters iba-iba yung gustong iwang lessons sa mga manonood, na unti-unting mare-reveal kapag mapanood na nila,” saad ni Kathryn.
Photo courtesy of ABS-CBN Entertainment and Netflix
Dagdag pa ni Daniel at Kathryn, kakaiba raw ang istorya at characters na aabangan ng kanilang fans na hindi pa raw nila nagagawa noon. Makikita rin sa serye ang sikreto ng kanilang matibay na relasyon.
“Walang secret sa relationship, mas marami pang mas matagal ang relasyon sa amin ni Kathryn. Pero ang kailangan ay trust, loyaty, compromise at suporta rin, yun ang sa amin” sabi ni Daniel.
Bukod sa Netflix tie-up, sa unang pagkakataon makakatrabaho ng dalawa sa isang streaming series si director Mae Cruz-Alviar.
Matantandaang si Alviar din ang nag-direk ng biggest box office hits ng dalawa na “Crazy Beautiful You” at “Can’t Help Falling in Love.”
Mapanood ang "2 Good 2 Be True" sa primetime TV sa Mayo 16 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z channel 11 at TV5.
Photo courtesy of ABS-CBN Entertainment and Netflix
At mapanood ng mas ito ng mas maaga mula Mayo 13 sa Netflix at Mayo 14 sa iWantTFC.
“Mga Kapamilya, especially yung mga Kapamilya natin sa TFC, maraming maraming salamat, for all the support at sana suportahan nyo ang aming bagong project sa ABS-CBN na “2 Good 2 be True,” paanyaya ni Kathryn.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TFC News.
PANOORIN ANG TRAILER NG 2 GOOD 2 BE TRUE: