Special gifts nina KathNiel, Toni at Alex, Pacman sa kanilang mga ina

Nina Corpuz, ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 04:44 PM | Updated as of May 12 2017 06:11 PM

Sa Sunday na ang Mothers’ Day. Naisip niyo na ba kung ano’ng ibibigay ninyo kay Nanay? 

Tinanong natin ang mga mommy ng mga superstars kung ano ang pinaka-memorable na gift o celebration para sa kanila ng kanilang anak sa Mothers’ Day.

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

Ang Teen King na si Daniel Padilla, minsan nang niregaluhan ng ‘house and lot’ ang Queen Mother na si Karla Estrada sa Araw ng mga Ina.

 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

Si Mommy Min Bernardo naman, ang ina ni Kathryn Bernardo, nag-post ngayon sa kanyang Instagram account (@bernardomin) ng mensahe tungkol sa mga naging tagumpay ng kanyang mga anak. Kasama rito ang naabot ng anak niyang si Kevin, ang kuya ni Kath, na doktor na at kapapasa lang ng board exams. 

Parati naman daw inilalabas nina Toni at Alex Gonzaga sa restaurant or hotel for dinner ang kanilang Mommy Pinty at palagi raw siyang may regalong mga bag, sapatos, at mga damit. 

Si mommy Dionisia Pacquio kasama ang anak na boxing champ na si Manny. File photo

Si Mommy Dionisia naman laging may mga bulaklak mula kay Sen. Manny Pacquiao at mga loving text messages mula sa iba pa niyang anak na malayo sa kanya.

Pero matapos nilang sagutin ang tungkol sa mga regalo, nangibabaw sa mga inang ito ang kahalagahan ng “presence not presents.”

Ayon kay Karla, pinaka-memorable daw para sa kanya ang family trip kasama ang apat na anak sa Japan nung 2016. First time daw kasi na kumpleto silang lahat sa bakasyon. 

Mommy Min Bernardo, nagpo-pose kasama ang anak na si Kathryn Bernardo. Retrato ni Nina Corpuz, ABS-CBN News

Imbes na siya ang pasalamatan, pinuri naman ni Mommy Min ang bunsong si Kath, bukod sa bagong “one billion premiere love team” nilang titulo sa latest movie nila ni DJ, sinabi rin niya, “Bunso, you brought so many achievements and awards for us. Mas gumaan ang buhay dahil sa iyo. malaking bagay ang pagtulong na nagagawa mo sa pamilya at kahit na sa ibang tao.” 

Para naman kay Mommy Pinty, “All material things they gave to me are special and treasured but their presence during dinner is enough.” 

Si Mommy D, ito naman ang kanyang wish: “Wala akong ibang hiling. Basta nandiyan lahat ng mga anak ko, hindi ko na kailangan ng mga materyal na bagay. Sana ibigay ni Lord na mas humaba pa ang buhay ko para makasama ko sila at marami pa ako mapasaya.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.