Celebrity moms, nagbigay-pugay sa mga kapwa nanay

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 01:16 PM

Nagbigay-pugay ang mga celebrity moms sa kapwa nilang nanay ngayong Mother's Day. 

Si Sylvia Sanchez na napanood bilang si Gloria sa katatapos lang na teleseryeng "The Greatest Love," saludo sa walang hanggang pagmamahal ng mga ina sa kanilang mga anak. 
 
"Sa lahat ng mga nanay, kahit gaano pasaway ang mga anak natin at nagko-complain tayo ay mahal pa rin natin sila. Kahit anong mangyari, hindi naman nawawala ang pagmamahal ng isang ina," aniya.

Saludo rin ang hot mama na si Sarah Lahbati sa kanyang mother-in-law na si Annabelle Rama na parang tunay na anak ang turing sa kanya. 

"She's like my second mom, she's always there for me. I feel bad for her because every time she's on TV, it's always negative news. Pero naaawa ako sa kanya kasi she's really a kind person," aniya.

Labis din ang pasasalamat ng Queen of Soul na si Jaya sa kanyang ina na si Elizabeth Ramsey, na kahit single mother ay tiniis ang hirap maitaguyod lang silang magkakapatid. 

"Hindi madali maging single mom. The way my mom did it, sorry for the word, but she really had the balls to take care of us knowing na hindi naman kami mayaman. Pero dahil sa talent niya sa pagkanta, naitawid niya kaming lahat," aniya.

At ngayon namang first-time mom na si Isabel Oli, naiintindihan na niya ang sakripisyo ng pagiging ina. 
 
"Alam mo 'yung sobrang puyat ka pero walang papantay sa saya? Iba ang saya, iba," aniya.
 
Iba't iba man ang tawag at paraan ng pasasalamat sa mga nanay ngayong Mother's Day, walang katapusang pagmamahal ang pinakamahalagang regalo na maibibigay natin sa kanila.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.