Kaye Abad at Neri Naig, nagpalitan ng mensahe sa kanilang pagbubuntis

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 01:06 PM

Kaye Abad (kaliwa) at Neri Naig. Instagram: @kaye_abad, @mrsnerimiranda

MAYNILA -- Nagpalitan ng mensahe sina Kaye Abad at Neri Naig tungkol sa kanilang pagbubuntis.

Si Naig ay buntis sa ikalawang pagkakataon sa mister nitong si Chito Miranda, na dating nobyo ni Abad.

Sa post ni Naig nitong Linggo, Araw ng mga Ina, ibinahagi niya ang kanyang muling pagbubuntis. Dito ay isang mensahe ang ipinahatid sa kanya ni Abad.

"Congrats! And happy Mother's Day!" ani Abad sa comment section ng naging post ni Naig.

Tugon naman ni Naig kay Abad: "Thanks! Congratulations din! Happy Mother's Day." 

Screenshot mula sa Instagram: @mrsnerimiranda

Matatandaan na nito lamang Pebrero ay inanunsiyo ni Abad sa pamamagitan ng isang social media post na buntis siya sa kanyang ikalawang anak sa mister nitong si Paul Jake Castillo.

Ikinasal sina Abad at Castillo, na dating "Pinoy Big Brother" housemate, sa Cebu noong Disyembre 2016.

Disyembre 2017 naman nang isilang ni Abad ang panganay nila ni Castillo na si Joaquin. 

Related video:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.