Melai, tinupad ang isang pangarap kasama ang anak

ABS-CBN News

Posted at May 11 2018 11:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Para sa pagdiriwang ng Mother's Day, binigyang katuparan ni Melai Cantiveros ang pangarap na magsayaw kasama ang G-Force.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, kasama niyang humataw sa dance floor ang panganay na anak na si Amelia Lucille o Mela.

"Ang pakiramdam ko parang I made it through the rain. Kasi isa sa pangarap ko na makasayaw ang G-Force. So, ngayon nakasayaw ko na sila, nakasama ko pa si Mela," ani Melai. 

"I feels good. Amazing," sagot naman ni Mela kung ano ang pakiramdam niya na makasamang sumayaw ang kanyang ina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.