Sharon, ayaw pang bumalik sa Pilipinas?

ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 06:24 PM

Mukhang mapapahaba pa ang bakasyon ni Megastar Sharon Cuneta na nagpuntang Amerika noong nakaraang lingo.

Sa isang Instagram post niya kasi, sinabi niyang “Was supposed to go home today. But nope. Am not. God bless you all!”

 

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

Walang ibinigay na dahilan si Cuneta sa kanyang desisyong mag-extend ng bakasyon pero napa-comment ang ilang netizens at fans sa tila matalinhagang Instagram posts ng Megastar.

Bukod kasi sa pag-post ng quotes tulad ng “Life begins at the end of your comfort zone,” may post din siyang “Just when the caterpillar thought the world was over, it became a butterfly.” Sa caption ni Cuneta, may tanong pa siya sa followers kung sino sa tingin nila ang caterpillar?

 

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

Nag-post din ang Megastar ng quote na ang pinakamatatatag na tao ay iyong mga nagwagi sa mga labang hindi alam ng publiko.

 

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

Bago iyan, nag-post sa Facebook si Cuneta na nagtitingin-tingin siya ng bahay sa Amerika. 

 

Hirit niya pa, makukumpleto siya kapag pumunta na rin doon ang kanyang pamilya at nanirahan kasama niya.

Umugong naman sa social media na baka may kinalaman ang pananatili sa Amerika ni Megastar sa mister na si Sen. Kiko Pangilinan at sa kumalat na litratong umano’y magkahawak sila ng kamay ni Sen. Risa Hontiveros nang dumalaw kamakailan sa nakapiit na si Sen. Leila de Lima. 

Agad namang pinabulaanan ni Pangilinan ang umano’y pekeng litrato at naglabas din ang kanya kampo ng tunay na kuha sa nasabing okasyon.

Nag-tweet din ang senador ng kuha nila ng stepdaughter na si KC Concepcion.

Una nang sinabi ng manager ng Megastar na kinailangang umalis ni Sharon para maka-recover sa kanyang pagluluksa sa yumaong kaibigang composer na si Willy Cruz na naghubog ng kanyang career.

Sinabi ring babalik si Sharon para sa Mother’s Day at sa Finals ng The Voice Teens.

Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.