Yeng Constantino at Erik Santos, sanib-puwersa sa isang concert

ABS-CBN News

Posted at May 10 2019 11:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Magsasanib-puwersa sa isang concert sina Erik Santos at Yeng Constantino.

Sa pagbisita nila sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, nagbigay ng ilang detalye ang dalawa tungkol sa kanilang pagsasamahang proyekto.

"Si Erik po kasi, hindi po alam ng maraming tao na magkaibigan po talaga kami... We are really friends and talagang kapag si Erik ang ka-duet ko, sinasabi ko sa kanya, 'I feel alive.' Kaya kahit magkaiba kami ng genre, kapag kumakanta kami together it's just so wonderful," ani Yeng.

"At saka 'yung maganda kasi, 'yung pop ballad at pop rock ay ipagme-marry mo, so that's what makes it different and extraordinary," dagdag ni Erik.

Magaganap ang "Extraordinary" concert sa May 22 sa Newport Performing Arts Theater.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.