Pia Wurtzbach, excited na sa movie project nila ni Vhong Navarro

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 10 2019 11:25 AM | Updated as of May 10 2019 11:54 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinagmalaki ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagbubunga na ang kanyang mga pagsisikap sa showbiz.

Una na rito ang pinapangarap niyang bahay na malapit na niyang lipatan.

"All the hard work has finally paid off, so I'm excited to share everything with you guys soon. So baka mapu-push back lang ang moving in date ko," aniya.

Para naman sa Mother's Day, may inihahandang simple pero masayang selebrasyon si Pia para sa kanyang ina.

"My mom has really simple joys in life, 'yung mga seafood, 'yung mga paborito niyang pagkain, so most probably I'll treat her," aniya.

Bilang isang artista, nagbigay-update si Pia sa pelikulang pagsasamahan nila ni Vhong Navarro.

"Now I'm working on a movie with Black Sheep with Vhong Navarro. We're going to start shooting really soon, I think next week. It's a dark comedy, very interesting," aniya.

Medyo pigil pa si Pia sa pagbibigay-detalye ng pelikula nila ni Vhong, pero sigurado raw na ibang timpla ng kilig ang ibibigay nila sa manonood.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.