Ilang celebs, ibinahagi ang masayang tagpo kasama ang kanilang nanay

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 10 2019 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Araw ng mga Nanay na sa darating na Linggo, kaya't ngayon pa lang ay nagpaplano na ang mga anak kung paano ipapadama ang pagmamahal sa kanilang mga ina.

Hindi naiba rito ang ilang personalidad na ibinahagi ang paboritong bonding moments kasama ang kanilang mothers, gaya ni Mariel Padilla na pagkain ang paboritong bonding kasama ang nanay niya.

"My mom really likes food, ako rin I really love food... Alam ko 'yun ang nagpapa-happy sa kanya talaga," aniya.

Ang buena manong Miss Q and A winner na si Juliana Parizcova Segovia naman, ibinahagi kung paano sila nagkakaayos ng kanyang ina kapag dumarating ang tampuhan.

"Kami ni mama kasi hindi talaga maiiwasan 'yang ganyan, mga tampuhan. Ang nangyayari, bigla na lang kaming naglalambingan. Minsan bigla na lang 'yang papasok sa kuwarto ko, tatabihan ako, manonood kami ng TV hanggang sa bigla na lang kaming magchichikahan, ganun," aniya.
 
Ang Binibining Pilipinas 2019 candidate na si Aya Abesamis na anak ng isa ring beauty queen na si Desiree Verdadero Abesamis, hindi makakalimutan ang disiplina ng ina na nagbunga nang maganda para sa kanya.

"Every step of the way she's just there, asking me what I need. And she's always watching me and teaching me as well," aniya.

Iba't iba man ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa mga minamahal nating nanay, mas maganda kung gagawing araw-araw ang Mother's Day sa pinakaespesyal na babae sa buhay ng bawat anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.