DAVAO CITY - Hindi napigilang mapaluha ng 10-anyos na si Kean Klenn Adolfo mula sa Davao City ang pag-sign off ng ABS-CBN nitong Martes ng gabi.
Kita sa video ng kanyang ina na si Rhea Mae Bulawan nitong Martes, umiiyak si Kean habang niyakap ito ng kanyang ina.
Ayon kay Rhea, emosyonal si Kean sa nangyari dahil hindi na niya makikita ang kaniyang idolo na si Vice Ganda, na isa sa mga host ng kaniyang paboritong programa na "It's Showtime."
Apektado sila dahil kinalakihan na nila ang mga palabas ng ABS-CBN.
"Wala na daw kasiyahan ang kanyang lolo at lola dahil si Vice Ganda ang nagpapasaya sa kanila, kahit kami mami-miss namin. Di na magamit ang TV wala kasi silang antenna, kami rin di rin namin gusto na manood ng ibang channel nag-movie marathon na lang kami," ani Rhea.
Paborito ni Kean ang "It's Showtime" dahil napapasaya ng programa umano ang kaniyang lolo na may disability.
"Nakakatawa si Vice palaging nakatawa si 'Daddy', at kung wala na di na kami masaya pati pamilya ko hindi na masaya," saad ni Kean.
Nais ng mag-ina na maibalik agad sa ere ang ABS-CBN, na nagbigay sa kanila umano ng saya sa gitna ng krisis ng Covid-19.
Nagpaabot din ng mensahe ng suporta ang mga ilang Dabawenyo sa Kapamilya network.
Ipinatigil ng National Telecommunications Commission ang TV at radio operations ng ABS-CBN nitong Martes dahil sa kawalan umano ng franchise ng kumpanya sa pag-broadcast.
Una nang sinabi ng NTC na papayagan nitong mag-operate hanggang 2022 ang ABS-CBN dahil nakakabinbin pa rin sa Kongreso ang mga panukalang batas para sa renewal ng franchise nito na napaso noong Lunes.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, ABS-CBN franchise, ABS-CBN franchise renewal, ABS-CBN shutdown, ABS-CBN cease and desist, NTC order ABS-CBN shutdown, ABS-CBN franchise expires, ABS-CBN closure, ABS-CBN House of Representatives, ABS-CBN NTC, ABS-CBN protest, ABS-CBN supporters, Davao City ABS-CBN