Ryza Cenon, umaasang si Cholo Barretto na ang 'the one'

ABS-CBN News

Posted at May 09 2018 12:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ng aktres na si Ryza Cenon na umaasa siya na ang nobyong si Pocholo Barretto ang itinadhana para sa kanya.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naging bukas si Ryza tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Aniya, ipinagmalalaki niyang maging kasintahan ni Pocholo na nakilala niya sa unang indie film na kanyang ginawa.

Kuwento ni Ryza si Pocholo ang unang ka-kissing scene niya sa pelikula. 

"Natatakot ako that time, first time ko siyang makatrabaho. Naging makulit lang siya. Text lang siya ng text, kumusta, 'yung mga ganoon," ani Ryza.

Sa huli, inamin ni Ryza na umaasa siyang si Pocholo na ang lalaki para sa kanya.

"Ipinagdarasal ko naman na sana. Kasi mahirap ding makahanap ng kagaya niya sa panahon ngayon. At hindi na rin ako bata," ani Ryza.

Pinasalamatan din ni Ryza si Pocholo sa pagmamahal nito sa kanya.

"Mahal, salamat sa lahat. Sa suporta mo, sa pag-iintindi at 'yung laging nandiyan kapag sobrang down ako. As in thank you and I love you so much," ani Ryza.

Sa ngayon ay parte si Ryza ng seryeng "Ang Probinsyano," samantalang parte naman si Pocholo ng "Since I Found You."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.