'Can't Help Falling In Love' ng KathNiel, kumita na ng P300M

ABS-CBN News

Posted at May 09 2017 03:46 PM

MANILA -- Pumalo na sa P300 milyon ang kinita ng pelikula ng Star Cinema na "Can't Help Falling In Love" na pinagbibidahan ng tambalan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nitong Martes, muling nagsama-sama ang mga artista ng pelikula na sila Daniel, Kathryn, Cherry Pie Picache, Janus del Prado, Kristel Fulgar at Matteo Guidicelli kasama na rin ang direktor na si Mae Cruz-Alviar para magpasalamat sa lahat ng mga nanood. 

"Congratulations sa atin, naka P300 million na tayo, yehey! I'm so happy. Thank you so much. Hindi magiging posible ang isang project kung wala 'yung lahat ng team na nandito ngayon sa iba't ibang department," ani Kathryn.

"Siyempre nagpapasalamat tayo sa lahat ng bumubuo ng 'Can't Help Falling In Love.' Sa lahat ng mga nanonood, gusto kong magpasalamat," ani Daniel.

Ayon sa dalawa, ibinabahagi nila ang tagumpay ng kanilang pelikula sa lahat ng kanilang mga tagahanga na walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

Sa ngayon ay nakatakdang bumida si Kathryn at Daniel sa inaabangang serye na "La Luna Sangre."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.