PatrolPH

JM de Guzman, nagbigay ng tulong sa Rodriguez

ABS-CBN News

Posted at May 08 2020 11:41 AM | Updated as of May 08 2020 12:04 PM

MAYNILA — Nagbigay ng tulong ang aktor na si JM de Guzman sa mga na naapektuhan ng enhanced community lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Sa kanyang mga larawan na ibinahagi sa Instagram nitong Huwebes, kitang namahagi ng bigas at itlog ang aktor sa dalawang barangay sa Rodriguez.

“Dalawang barangay po sa Rodriguez ang ating natulungan, isa duon ay ang mga PWD. Salamat po sa inyong donasyon, “ ani JM sa caption ng kanyang post.

Gamit din ang hashtag na #labankapamilya na may mga pusong kulay ng logo ng ABS-CBN, pinasalamatan din ng aktor ang lahat ng mga tumulong sa kanya para maggawa niya ang fundraising drive. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.