PatrolPH

Jason Abalos may mensahe para sa kaarawan ng nobyang si Vickie Rushton

ABS-CBN News

Posted at May 08 2020 12:03 PM

MANILA – Muling ipinahayag ng aktor na si Jason Abalos ang pagmamahal sa kanyang nobya na si Vickie Rushton.

Sa Instagram, nagbahagi si Jason ng mga larawan nila ng beauty queen kasabay ng kanyang mensahe para sa kaarawan nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos) on

“Maraming salamat sa pagdagdag ng kulay sa mundo ko, mundo naming lahat na nakapaligid sa iyo at mga mahal mo. Maraming salamat sa Diyos sa napakaganda mong puso at pati kami natututo kung paano umibig ng kagaya ng pag ibig mo,” ani Jason sa caption ng kanyang post.

Ayon kay Jason, masaya siya sa marami pang araw na pagsasamahan niya at ng dati ring “Pinoy Big Brother” housemate.

“Nae-excite ako sa araw-araw at sa magiging buhay pa natin na magkasama. Ang blessed ko. Sa 10 years na dumaan hindi ko pa din maisip pa'no ka nakatagal sa kasama ako. Ganyan ka lang baba. Madaming nagmamahal sa iyo... mahal na mahal kita. Happy happy birthday! Celebrate na lang muna ako dito mag-isa ha. Para sa iyo naman to,” dagdag ni Jason.

Taong 2010 nang unang magkita sina Jason at Vickie sa isang event ng ABS-CBN sa Bacolod City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.